^

Probinsiya

52 nadale ng diarrhea sa Bulacan

-

MANILA, Philippines - Limampu’t dalawang si­bilyan ang iniulat na tina­maan ng diarrhea sa bayan ng Ma­ rilao, Bulacan mata­pos mana­lasa ang bagyong Ondoy noong nakalipas na linggo.

Ito ang nabatid kahapon matapos ang isinagawang pag­bisita ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. sa bayan ng Marilao, ang pinakagrabeng sinalanta ng bagyong Ondoy.

Sa panayam, sinabi ni Ma­rilao Mayor Efipanio Guiller­mo, taliwas sa napa­ulat na ba­wat barangay ay tinamaan ng diarrhea ay 52 lamang ang kanilang naitala at dalawa dito ay na-dehydrate bunsod upang mara­tay sa ospital.

Nabatid na ang Ba­rangay Luma Degato ay nakaligtas sa lupit ni “Ondoy kung saan hindi nakaligtas ang 16 na barangay sa flashflood.

Si Teodoro, kasama ang AFP medical team ay sina­mahan ni AFP Chief of Staff Gen. Victor Ibrado sa isina­­ga­wang medical mission sa Brgy. Abangan Sur at Brgy. Lam­bakin sa bayan ng Ma­rilao.

Kaugnay nito, inatasan ni Sec. Teodoro ang mga opis­yal ng Provincial Disaster Coordinating Council (PDCC) na makipagkoor­dinasyon sa mga lokal na opisyal ng pa­ma­halaan upang ihanap ng relocation site ang mga 160 pamilya na karamihan ay na­ninirahan malapit sa Marilao River. Joy Cantos

ABANGAN SUR

BRGY

CHIEF OF STAFF GEN

DEFENSE SECRETARY GILBERTO

JOY CANTOS

LUMA DEGATO

MARILAO RIVER

MAYOR EFIPANIO GUILLER

ONDOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with