Mag-ina kinatay ng adik

CAMARINES NORTE, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-ina maka­raang pagsasaksakin ng ‘di-pa kilalang lalaki na sina­sa­bing lango sa bawal na dro­ga kahapon ng mada­ling-araw sa Purok 4, Barangay San Roque sa bayan ng Mer­cedes, Camarines Nor­te.

Naliligo sa sariling dugo nang matagpuan ng mga kamag-anak ang mag-inang sina Wilma Daniel, 31, tu­bong Iloilo at Clark Kien Da­niel, 4.

Himala namang nakalig­tas ang isang anak na lalaki ni Wilma na si Kyle Marc, 6, na nagtamo ng 29-saksak ng patalim sa katawan at nga­yon ay ginagamot sa Camarines Norte Provincial Hospital kung saan mag­daraos sana ng kanyang kaarawan kahapon.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ng mga tauhan ni P/Senior Insp. Wilmor Hala­mani, naganap ang krimen bandang alas-2 ng mada­ling-araw matapos pasukin ang tahanan ng mag-ina.

Sinasabing nanlaban si Wima kaya nabigong isa­gawa ang maitim na balak ng suspek kung saan wala namang nakikitang anggulo ng pagnanakaw.

Humingi naman ng tu­long sa pulisya ang tiyahin ng pamilya Daniel na ma­bantayan ang kanilang pa­mangkin sa nabanggit na ospital na nakaligtas sa karit ni kamatayan.

Pinaniniwalaang reres­bakan ang bata matapos na makilala ang pangunahing suspek sa krimen.

Inaasahan naman uuwi ang ama na OFW ng mag-iina mula sa ibang bansa.

Show comments