Cavite Cooperative Month ipagdiriwang
TRECE MARTIRES CITY, Cavite , Philippines – Idaraos bukas ang pagdiriwang ng Cavite Cooperative Month na may temang Kooperatiba: Tugon sa Pandaigdigang Kagipitan, Kaagapay sa Kaunlaran.”
Sa pangunguna ni Cavite Governor Ayong Maliksi, itatampok sa pagdiriwang ay ang trade fair and exhibits, health awareness seminar ng UNIMED Health Services Cooperative.
Kabilang sa mga dadalo sa nabanggit na okasyon ay sina Senators Noynoy Aquino at Mar Roxas bilang pangunahing tagapagsalita.
Magiging tagapagsalita ng 2nd Cavite Cooperative Leaders Conference sina CDA Specialist Rowena Fruto, Dr. Emmanuel Santiaguel, Director Nonie Hernandez at Cooperative Union of Cavite Chairman Gilchor Cubillo.
Pararangalang lider ng kooperatiba ay sina Dr. Oscar J. Tayko bilang Outstanding Coop Elder at Carmona Mayor Roy Loyola bilang Outstanding Mayor on Cooperative Development.
Sa kasalukuyan, kinikilala ang Cavite bilang Cooperative Province of the Philippines dahil sa pagtala ng P2.019 bilyong kinita, mga transaksyon na umaabot sa P3.293 bilyon at may aktibong miyembro na 66,916.
Binigyan din si Gov. Maliksi ng parangal bilang Icon of Cooperation dahil sa pagsuporta sa kooperatibismo. Arnell Ozaeta
- Latest
- Trending