^

Probinsiya

Pulis nahulog mula sa bubong, dedo

- Ni Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   – Dahil sa pag­hahanda sa pagragasa ng Bagyong “Pepeng,” isang alagad ng batas ang iniulat na nasawi maka­raang mahulog mula sa bubungan ng kanilang bahay noong Biyernes ng hapon sa Barangay Pacol, Naga City, Camarines Sur.

Idineklarang patay sa Mother Seton Hospital si PO3 Edgardo Moreno na nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Ragay.

Base sa ulat, nagpa­alam sa kanyang opisyal sa himpilan ng pulisya si PO3 Moreno para ayusin ang bubungan ng kanilang bahay dahil sa pagha­danda sa pagdating ng supertyphoon “Pepeng” na napaulat na mananalasa sa Kabikulan.

Napag-alamang umak­yat sa bubungan ng kani­lang bahay si PO3 Moreno na bitbit ang mga kailangan habang umiihip ang hanging may dalang pabugsu-bugsong ulan.

Gayon pa man, sa ka­lagitnaan nang pagkukum­puni ng bubungan sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadulas ang biktima at bumagsak na una ang ulo sa sementadong lapag.

Kaagad naman naisu­god sa nabanggit na ospital ng ilang kaanak si PO3 Moreno subalit kinarit na ni kamatayan dahil sa pag­kabasag ng bao ng ulo.

vuukle comment

BAGYONG

BARANGAY PACOL

CAMARINES SUR

EDGARDO MORENO

LEGAZPI CITY

MORENO

MOTHER SETON HOSPITAL

NAGA CITY

PEPENG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with