Hijackers umatake

MANILA, Philippines - Na-hijack ng mga hini­hinalang armadong mi­yem­bro ng Alvin Flores highway robbery gang ang isang oil tanker habang bumabag­tas ito sa North Luzon Expressway sa Barangay Tabuyoc, Apalit, Pampanga kamakalawa ng gabi.

Wa­lang nagawa ang driver ng Isuzu tractor head na si Leonardo Cabuso at mga pahinante nito nang hara­ngin at tutukan sila ng baril ng mga hijacker at tangayin ang sasakyan na naglala­man ng 20,000 litro ng ga­solina. (Joy Cantos)

Show comments