^

Probinsiya

Cagayan Valley handa kay Pepeng

-

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines  – Bagama’t hindi alam kung gaano kalakas at kung ano ang perwisyo na maaring haharapin ay pinag-hahandaan na ng regional disaster coordinating council ng Cagayan Valley ang pagdating ng tinaguriang super typhoon Pepeng na inaasahang tatama sa kalupaan par­tikular na sa Isabela nga­yong araw.

Ito ay matapos na ipag-utos ni Cagayan Valley Police regional director Chief Superintendent Ro­berto Damian, chairman ng RDCC, ang maagang pag­likas ng mga residente sa mas mataas na lugar upang maiwasan ang anu­mang sakuna sa hindi pa malamang delubyo na hatid ni Pepeng.

Nauna rito ay binisita ni Defense Secretary Gilbert Teodoro ang lambak ng Cagayan kamakalawa upang pulungin ang mga pinuno ng RDCC, PDCC at iba pang ahensiya ng gobyerno na maging handa upang maiwasan ang tra­hedyang sinapit ng mga biktima ni bagyong Ondoy na sumalanta at kumitil ng maraming buhay.

Sa kasalukuyan ay pus­pusan ang pagha­handa sa ibat-ibang lugar sa rehiyon tulad ng mga mga eskwe­lahan, community Center at iba pang lig­tas na lugar upang ga­wing pansaman­talang evacuation center sa mga residente na ma­agang lilikas sa kanilang mga tahanan. (Victor Martin)

BAGAMA

CAGAYAN VALLEY

CAGAYAN VALLEY POLICE

CHIEF SUPERINTENDENT RO

DEFENSE SECRETARY GILBERT TEODORO

NUEVA VIZCAYA

PEPENG

SHY

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with