LPG sumabog: 6 sugatan

NUEVA VIZCAYA , Philippines  — Anim-katao ang iniulat na nasugatan makaraang sumabog ang tangke ng liquified petroleum gas (LPG) sa isang panaderya sa bayang Cabagan, Isabela kamakalawa.

Naisugod sa Cabagan Hospital sina Leon Cureg, Jenny Marayag, Francis Aguinaldo, Hernan Daguio, Adrian Pagbilawen at si Lady Ann Baui na pawang mga kawani ng bakery na pag-aari ni Felix Navarro.

May teorya ang mga awtoridad na nagkaroon ng butas ang rubber hose at walang kaukulang bentilasyon ang kinalalagyan ng tangke ng LPG kaya naganap ang insidente. Victor Martin

Show comments