Estudyante niratrat ng mga adik

CAVITE , Philippines — Pinaniniwalaang napagtripang pagbabarilin hang­gang sa mapatay ang isang 19-anyos na estudyante ng mga ‘di-pa kilalang kalakihan sa bisinidad ng Congressional Road sa Barangay Virat, General Mariano Alvarez, Ca­vite, kahapon ng madaling-araw.

Napuruhan sa kata­wan si Jeffrey Ominga ng Barangay Gregoria De Jesus.

Sa police report, lumilitaw na naglalakad ang biktima nang lapitan at ratratin ng mga kalalakihang sakay ng ku­ lay pulang kotse na sinasabing mga lango sa bawal na droga. Cristina Timbang

Show comments