Encounter: 3 MILF, 1 pa todas
MANILA, Philippines - Isang opisyal ng Philippine Marine at tatlong rebeldeng Moro Islamic Liberation Front mula sa breakaway group ang iniulat na napaslang habang siyam iba pang sundalo ang nasugatan sa panibagong sagupaan sa liblib na bahagi ng Panamao, Sulu kahapon ng umaga. Sa ulat ng Joint Task Force Comet, bandang alas -11:30 ng umaga nang tambangan ng mga rebeldeng MILF ni Kumander Habier Malik ang tropa ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 11 na pinamumunuan ni Lt. Col. Nani Songgano sa Bitan-ag Junction, sa bayan ng Panamao. Tumagal ng 35 minuto ang bakbakan bago nagsiatras ang mga rebelde na nagkahiwalay-hiwalay ng direksyon. Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang 90 Recoiless rifle (RR), dalawang M16 Armalite rifle, isang AK, apat na bala ng 90 RR at mga dokumento ng Islam. Joy Cantos
- Latest
- Trending