Dalagita pinilahan sa ilog

QUEZON , Philippines — Napari­wara ang kinabukasan ng isang 14-anyos na babae makaraang halayin ng dalawang kalalakihan ka­makalawa ng hapon sa tabi ng ilog ng Barangay Talaan Pantoc sa bayan ng Sa­riaya, Quezon.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina John Buan, 28, miyembro ng Cafgu sa ilalim ng Charlie Company ng 59th Infantry Battalion ng Phil. Army sa Lobo, Ba­tangas at Erickson Cri­sostomo, 20, kapwa na­ka­tira sa Ba­rangay Castanas, Sariaya, Quezon. Sa ulat ni SPO1 Edgardo Alvarez, lumilitaw na dinala ang biktima sa gilid ng ilog ma­tapos isakay sa traysikel ng mga sus­pek.

Matapos pila­han ay binigyan ng P200 ang bik­tima. Kaagad na­man ipi­nagbigay-alam ng bik­tima sa kinauukulan kaya na­dakip ang mga suspek. Tony Sandoval

Show comments