Dalagita pinilahan sa ilog
QUEZON , Philippines — Napariwara ang kinabukasan ng isang 14-anyos na babae makaraang halayin ng dalawang kalalakihan kamakalawa ng hapon sa tabi ng ilog ng Barangay Talaan Pantoc sa bayan ng Sariaya, Quezon.
Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina John Buan, 28, miyembro ng Cafgu sa ilalim ng Charlie Company ng 59th Infantry Battalion ng Phil. Army sa Lobo, Batangas at Erickson Crisostomo, 20, kapwa nakatira sa Barangay Castanas, Sariaya, Quezon. Sa ulat ni SPO1 Edgardo Alvarez, lumilitaw na dinala ang biktima sa gilid ng ilog matapos isakay sa traysikel ng mga suspek.
Matapos pilahan ay binigyan ng P200 ang biktima. Kaagad naman ipinagbigay-alam ng biktima sa kinauukulan kaya nadakip ang mga suspek. Tony Sandoval
- Latest
- Trending