4 mag-aaral nilamon ng ilog

CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines  — Maagang kina­rit ni kamatayan ang apat na mag-aaral sa elemen­tarya makaraang malunod sa ilog sa bayan ng Trece Martirez, Cavite noong Mar­­tes ng hapon.

Sa naantalang ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Vicente Lim, kabi­lang sa mga nalunod ay sina Kimberly Jan Moje, 13, grade 6; Princess Di­anne Jusay, 11, grade 6; Mar­celine Georgette Oba­na, 12, grade 6 at si John Marcel Obana, 10, grade 1, pawang nakatira sa Ba­rangay Inocencio at mga estudyante ng Barangay Inocencia Elementary School.

Ayon sa principal ng eskwelahan na si Gregoria Atas, hindi na nakabalik sa klase ang apat na bata ma­­ tapos lumabas ng ka­nilang paaralan para mag-lunch break.

Napag-alamang nagka­yayaan ang magkakaes­kwela para maligo sa Pa­song Duwag River na ma­lapit sa kanilang eskwela­han nang tangayin ng ma­lakas na agos ng tubig sa ilog bandang ala-una ng hapon.

Ayon kay P/Supt. Rey­naldo Galang, hepe ng Trece Martirez PNP, ban­dang alas-3:30 ng hapon nang makatanggap ng ta­wag sa telepono ang Trece Martirez police station mula sa isang concerned citizen matapos matagpuan ang mga bang­kay ng apat na mag-aaral na palutang-lutang sa gilid ng nasabing ilog.

Itinakbo pa sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang mga bata pero idi­nekla­rang patay ni Dr. Gerde Summerian.

 “Katatapos lang ng bagyong Ondoy noong kaya mataas pa ang tubig sa ilog kaya sila tinangay,” pahayag ni PO3 Benjamin Villanueva, chief investigator ng Trece Martirez PNP.

Show comments