Mag-ina natagpuang patay
BULACAN, Philippines – Narekober na ng mga mangingisda ang bangkay ng mag-ina sa dulong bahagi ng Barangay Pugad sa bayan ng Hagonoy, Bulacan habang nasa kasagsagan nang pagpapakawala ng tubig mula sa Angat Dam kahapon.
Base sa ulat ng pulisya, pinaniniwalaang inanod na lamang ang mga bangkay na nasa pagitan ng 25 hanggang 30-anyos ng edad ng matandang babae habang nasa 10-anyos naman ang bata.
Natagpuan ang bangkay ng matandang babae na nakasabit sa mga ugat ng puno ng bakawan habang may ilang metro naman ang layo ng bangkay ng bata.
Sa tala, nagpakawala ng tubig ang Angat Dam kamakalawa para paghandaan ang pagpasok ng dalawang bagyo sa mga susunod na araw. Kabilang sa mga dadaluyan ng tubig mula sa Angat Dam ay ang pitong bayan sa lalawigan ng Bulacan. Boy Cruz
- Latest
- Trending