^

Probinsiya

Angat Dam nagpakawala uli ng tubig

-

BULACAN , Philippines  – Muli na na­mang nagpalabas ng tubig ang Angat Dam para panatilihin ang kaukulang level ng tubig at pre­parasyon sa napipintong pag­dating ng dalawang pang bag­yo sa darating na mga araw.

Bandang alas-10 ng uma­ga kahapon ay sinimulang mag­­pakawala ng may 500 cubic meters ng tubig na tatagal hanggang Huwebes upang mabawasan ang tubig na na­kaimbak sa nabanggit na dam.

Kabilang sa mga bayang da­daluyan ng tubig ay ang Nor­zagaray, Angat, Bustos, Bali­wag, Plaridel, Pulilan, at ang ba­yan ng Hagonoy.

Inaasahang tatagal pa ng dalawa at kalahating oras ang daloy ng tubig mula sa Angat Dam bago pumasok sa 7-ba­yan na dadaanan nito hang­gang makarating sa Manila Bay.

Sa kasalukuyan ay nasa 214.563 na ang antas ng tubig sa Angat Dam at  kinakaila­ngang maibaba ito sa 212 me­trong antas sakaling muling dumaloy ang tubig na sanhi ng dalawang bagyo na papa­sok sa bansa.

Dahil sa pagbabawas ay agad na inabisuhan ng Provincial Disaster Coordinating Office na si Perlita Mendoza ang lahat ng maapektuhang bayan na maging alerto sa gagawing pag­babawas ng tubig subalit wala namang dapat ipangam­ba ang mga residente dahil sa kailugan naman ito dadaloy at normal la­mang ang magi­ging agos ng tu­big.  Boy Cruz at Dino Balabo

ANGAT

ANGAT DAM

BOY CRUZ

DINO BALABO

MANILA BAY

PERLITA MENDOZA

PROVINCIAL DISASTER COORDINATING OFFICE

SHY

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with