^

Probinsiya

Angat Dam nakaambang gumuho

-

BULACAN, Philippines – Ibinunyag kahapon ni Director Renato Solidum ng Philippine Institute of Volcanology na ang west valley fault o lamat na isang aktibong fault ay tuma­tagos sa Angat Dam reservoir na may 350 hanggang 400 me­tro sa east ng main dike.

Sa pagdinig ng Sanggu­niang Panglalawigan ng Bula­can na ang pinuno ay si Bula­can Vice Governor Wil­he­mino Sy Alvarado kung saan sinabi ni Solidum na ang posibleng pinakamala­lang mangyayari ay sakaling lumindol ng magnitude 7.2 na maaaring maka­apekto sa Angat Dam.

Kaya naman nanawagan sina Solidum at Alvarado sa pamahalaan na magsagawa ng agarang pag-aaral sa epekto ng lindol sa katata­gan ng Angat Dam.

Nauna rito, nanawagan si Alvarado kay Pangulong Arroyo at sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na siyasatin ang katatagan ng dam kaugnay ng mga pahi­watig na ulat mula sa MWSS na ito ay hindi na gaanong matatag at kasama pa sa Mari­kina fault line area.

Nanawagan din ang bise gobernador sa lahat na ihin­to na ang mga debate hinggil dito at magkaisa sa pagha­rap sa pro­ blema matapos kum­pirma­hin ng PHILVOCS na tumagos dito ang west valley fault o lamat.

Nagpahayag ng pa­ngam­ba si Alvarado sa sunud-sunod na lindol kamakailan na yuma­nig sa Mindoro at ilang panig ng Metro Manila na maaring makaapekto sa Angat Dam.

Samantala, ikinabahala din ni Alvarado ang mga ulat na pag­sasapribado ng Angat Dam na pinagkukunan ng 96 porsiyentong suplay ng tubig sa Metro Manila dahil tiyak na maaapektuhan ang mga mag­sasaka na umaasa ng tubig sa kanilang pagsasaka. Boy Cruz

ALVARADO

ANGAT DAM

BOY CRUZ

BULA

DIRECTOR RENATO SOLIDUM

METRO MANILA

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY

SHY

SY ALVARADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with