2 holdaper tiklo

MANILA, Philippines - Dalawang sibilyan na sinasabing notoryus na holdaper ang naaresto ng pulisya makaraang maaktuhang hinoholdap ang magkaibigan sa bisinidad ng Barangay Zone 2, Cadiz City kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Santiago Agisanda, 20; at Kenneth Inocencio na kapwa nakatira sa Andrea Village. Bandang alas – 10 ng umaga nang holdapin ng mga suspek sina Enrique Borda, 40, ng Brgy Burgos at Orlando Punzalan, 41, ng Brgy. Cabahug. Naaktuhan naman ng pulisya ang mga suspek kaya hindi na nakapalag pa. Joy Cantos

Show comments