MANILA, Philippines - Binurdahan ng saksak hanggang mamatay ng isang 36-anyos na mister ang misis nito habang kritikal ang anak sa Brgy. Batiano, Mambusao, Capiz, kamakalawa.
Ang biktimang si Marilyn Lapso ay dead-on-the spot, habang kritikal ang anak na si Rosely, matapos na pagsasaksakin ng suspek na si Rodelio Lapso, alyas Kagang at pawang naninirahan sa naturang lugar.
Sa report ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi ng maganap ang insidente nang madatnan ng suspek ang kanyang mag-ina na natutulog kung saan agad nitong pinagsasaksak.
Ang suspek ay may diprensiya umano sa pag-iisip sa tuwing ito ay malalasing kaya iniwan ito ng mga biktima ilang araw bago maganap ang insidente. Una na rin nagtangkang magpakamatay ang suspek ngunit naawat lang ng mga kapitbahay nito.
Patuloy naman iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. (Joy Cantos)