MANILA, Philippines - Tinambangan at napatay ang isang barangay chairman ng dalawang armadong kalalakihan na sinasabing mga rebeldeng New People’s Army sa panibaong karahasang naganap sa Barangay Poblacion, sa bayan ng Montevista, Compostela Valley kamakalawa. Napuruhan si Glorieto Mahumas, matapos ratatin ng motorcycle-riding gunmen bandang alas-10 ng umaga. Si Mahumas ay kilala sa pakikiisa sa krusada ng pamahalaan laban sa mga rebeldeng New People’s Army na sinasabing nagbabanta sa buhay ng una. Noong 2007, si Mahumas at dalawa pa nitong kasamahan ay dinukot ng mga rebelde bago pinalaya matapos ang ilang araw. Joy Cantos