P1M ari-arian naabo

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Tinatayang aabot sa P1 milyong ha­­­laga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang ma­su­­nog ang ilang kabahayan kamakalawa ng gabi sa Ba­ran­gay Minapan sa bayan ng Tulunan, North Cotabato. Ayon sa ulat, bandang alas-9 ng gabi nang magsimulang ma­­sunog ang bahay ni Jaime Tongcua kung saan na­da­may ang Sunday school ng Southern Baptist Church, mini-grocery at ang ba­hay ng pamilya Sarsino. Inamin ni Tongcua na nauupos na kandila ang naging sanhi ng su­nog kung saan makalimutan matapos ang malawakang brownout sa nabanggit na lugar. Ayon kay Barangay Chairman Jose Martin Ricopuerto, na hindi nakapagres­ponde ang pama­tay-sunog ng Tulunan da­hil sa sinasabing sira ang fire truck kung saan ki­na­ilangan pang humingi ng sak­lolo mula sa mga bayan ng Ma­kilala at Matalam sa North Cotabato at Buluan sa Ma­guindanao. Malu Cadelina Manar

Show comments