Kabaro napatay sa reception... 10 sundalo sinibak sa serbisyo

NUEVA VIZCAYA, Philippines —Sampung sundalo na pa­wang enlisted personnel ang nadismis sa serbisyo, pito ang na-demote ng rang­go habang isasalang naman sa summary dismissal ang kanilang company commander kaugnay ng pagka­sawi ng isa nilang kasama­han sa tradisyunal na reception na ang pagpapahirap ay humantong sa kamata­yan ng bagong dating na sun­dalo sa loob ng kampo ng militar sa Cagayan, ayon sa opisyal kahapon.

Sa phone interview, si­nabi ni Army’s 5th Infantry Division chief Major Gen. Nes­tor Ochoa, na hindi nila kinukunsinti ang mga tiwa­ling gawain at pinapata­wan ng karampatang kaparusa­han ang mga napapatuna­yang nagkasala.

 “ We don’t condone such act, it’s too unfortunate and first time itong nang­yari sa area ng 5th ID,” pahayag ni Ochoa.

 “Some were demoted, some were discharged from service and one officer will be facing ESB (Efficiency and Separation Board) for that misdeed,” dagdag pa ng heneral.

Kabilang sa mga sinibak ay sina T/Sgt. Venancio Collado, Pvt. Danny Bis­carra, Pvt. Arnold Agcaoili, Pvt. Diosdado Dela Cruz, Pvt. Sammy Aguinaldo, Pvt. Charles Dimas, Pvt. Juan Dela Pena, Pvt. Felijohn Silvestre, Pvt. Marly Burac, at si Pvt. Joeffrey Zalun.

Ayon naman sa tagapag­salita ng Army na si Lt. Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., bunga ng insidente ay isa­salang sa Army Efficiency and Separation Board si 1st Lt. Brenel Segobia, commander ng Charlie Company ng 17th Infantry Battalion sa Cagayan kasunod ng pagkamatay ni Pfc. Jenevil Laman.

Ang insidente ay na­ganap noong Hunyo 23, 2009 sa kampo militar sa Calapangan Sur, Lasam, Cagayan kung saan mata­pos na masawi si Laman ay agad isinalang sa imbesti­ gasyon ang lahat ng mga itinuturong sangkot sa reception’ na hindi naka­yanan ng biktima.

Nabatid na isa ring Sgt. Alex Domingo ang na-demote at anim pang personnel bunga ng insi­ dente.

Show comments