Kabaro napatay sa reception... 10 sundalo sinibak sa serbisyo
NUEVA VIZCAYA, Philippines —Sampung sundalo na pawang enlisted personnel ang nadismis sa serbisyo, pito ang na-demote ng ranggo habang isasalang naman sa summary dismissal ang kanilang company commander kaugnay ng pagkasawi ng isa nilang kasamahan sa tradisyunal na reception na ang pagpapahirap ay humantong sa kamatayan ng bagong dating na sundalo sa loob ng kampo ng militar sa Cagayan, ayon sa opisyal kahapon.
Sa phone interview, sinabi ni Army’s 5th Infantry Division chief Major Gen. Nestor Ochoa, na hindi nila kinukunsinti ang mga tiwaling gawain at pinapatawan ng karampatang kaparusahan ang mga napapatunayang nagkasala.
“ We don’t condone such act, it’s too unfortunate and first time itong nangyari sa area ng 5th ID,” pahayag ni Ochoa.
“Some were demoted, some were discharged from service and one officer will be facing ESB (Efficiency and Separation Board) for that misdeed,” dagdag pa ng heneral.
Kabilang sa mga sinibak ay sina T/Sgt. Venancio Collado, Pvt. Danny Biscarra, Pvt. Arnold Agcaoili, Pvt. Diosdado Dela Cruz, Pvt. Sammy Aguinaldo, Pvt. Charles Dimas, Pvt. Juan Dela Pena, Pvt. Felijohn Silvestre, Pvt. Marly Burac, at si Pvt. Joeffrey Zalun.
Ayon naman sa tagapagsalita ng Army na si Lt. Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., bunga ng insidente ay isasalang sa Army Efficiency and Separation Board si 1st Lt. Brenel Segobia, commander ng Charlie Company ng 17th Infantry Battalion sa Cagayan kasunod ng pagkamatay ni Pfc. Jenevil Laman.
Ang insidente ay naganap noong Hunyo 23, 2009 sa kampo militar sa Calapangan Sur, Lasam, Cagayan kung saan matapos na masawi si Laman ay agad isinalang sa imbesti gasyon ang lahat ng mga itinuturong sangkot sa reception’ na hindi nakayanan ng biktima.
Nabatid na isa ring Sgt. Alex Domingo ang na-demote at anim pang personnel bunga ng insi dente.
- Latest
- Trending