Iligal rekruter arestado

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang kinahantungan ng isang 42-anyos na babae na sinasabing illegal rekruter maka­raang maaresto ng pulisya kahapon sa Brgy. Guinhawa sa Malolos City, Bulacan. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Delma Guanlao, tubong Caloocan City at naninirahan sa Brgy.Caingin, Malolos City. Narekober sa suspek ang P3,500 na ginamit sa entrapment operation, mga dokumento at papeles ng mga biktima na kabilang na ang 14 na pasaporte. Boy Cruz

Show comments