5 pulis-Cagayan, suspindido
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines – Limang pulis na sinasabing nagdala ng baril sa loob ng korte ang binigyan ng 11-araw na supensiyon sa Cagayan.
Kabilang sa mga nasuspindeng pulis ay sina SPO2 Oscar Dayag, SPO1 Domingo Dayag, kapwa nakatalaga sa Cagayan police provincial office; PO3 Reden Formoso, PO2 John Philip Salva, nakatalaga sa regional police office at si PO1 Ian Jay Malana ng Regional Police Mobile Group.
Ayon sa suspension order na ipinalabas ni P/Chief Supt. Roberto Damian, Cagayan Valley police regional director, ang limang pulis ay lumabag sa memorandum circular # 2007-001 ng National Police Commission, na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng baril sa loob ng korte. Victor Martin
- Latest
- Trending