^

Probinsiya

Mag-iina natusta sa sunog

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines  – Karit ni kamata­yan ang sumalubong sa mag-iina matapos makulong sa nasu­sunog na bahay sa bayan ng Sariaya, Quezon kahapon ng madaling-araw. 

Kinilala ni P/Supt. Danilo Morzo, hepe ng Sariaya PNP, ang mga biktima na sina Teofila Gabiola, 80, bi­yuda; Antonio Gabiola, 59; at si Asuncion Gabiola, 54, pa­wang nakatira sa Barangay Mamala 1.

Ayon sa police report, ban­dang alas-2:30 ng ma­da­ling-araw nang mapansin ng mga kapitbahay na may lu­malabas na makapal na usok sa bungalow-type na bahay ng pamilya Gabiola. 

Dahil doon, mabilis na­man na naipaabot sa ba­rangay chairman kung saan kaagad na tumawag ng bum­bero kung saan duma­ting naman ang mga tauhan ng pamatay-sunog na tupok na ng apoy ang bahay ng mga biktima.

Batay sa inisyal na im­bes­­tigasyon, posibleng nag­mula ang apoy sa natum­bang lam­para na gamit ng mga bik­tima.

 “Gumagamit ng lampara ang mga biktima kasi para daw makatipid sa kuryente,” pahayag ni Morzo.

Si Antonio ay bik­tima ng polio at si Asuncion na­man ay may sakit sa pag-iisip ka­sa­ma na ang kanilang ina na si Teofila.

Umaabot sa P150,000 ha­laga ng ari-arian ang na­abo. Arnell Ozaeta 

vuukle comment

ANTONIO GABIOLA

ARNELL OZAETA

ASUNCION

ASUNCION GABIOLA

BARANGAY MAMALA

DANILO MORZO

SARIAYA

SHY

SI ANTONIO

TEOFILA GABIOLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with