^

Probinsiya

PLDT employee inutas dahil sa P10

-

MANILA, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan laban sa isang ka­wani ng Philippine Long Distance Telephone Company  makarang gini­litan at pag­tatagain ng kani­yang kainu­man ng alak da­hil sa pagta­talo sa P10 sa Antipolo City, Rizal kama­kalawa ng gabi. 

Naisugod pa sa  Amang  Rodriguez  Medical Center subalit idinek­larang patay  si  Cezar “Jun” Lofango Jr., 35, ng Unit-2  Pagrai, Ba­rangay Maya­mot sa na­bang­git na lung­sod.

Sumuko naman sa pu­lisya ang suspek na si Joseph Ortiz, 30, na nagtamo ng su­gat sa ulo at noo ma­tapos na magdepensa ang biktima sa pagdaluhong ng kaniyang kainuman na may tangang matalim na itak.

Base sa inisyal  na ulat ni SPO1 Victorino  Ma­dam­ba, naganap ang kri­men ban­dang alas-7 ng gabi sa lu­gar ng dalawa kung saan magka­samang nag-iinu­man  ng alak.

Sinasabing nagtalo ang da­lawa sa halagang P10 isi­nukli ng tindera sa bini­ling alak kung saan kapwa lango sa alak nang mag­du­welo sa pa­ma­magitan ng itak at patalim. Joy Cantos

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

CEZAR

JOSEPH ORTIZ

JOY CANTOS

LOFANGO

MEDICAL CENTER

NAISUGOD

NAPAAGA

PHILIPPINE LONG DISTANCE TELEPHONE COMPANY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with