^

Probinsiya

19 Abu, 9 sundalo utas sa encounter

-

MANILA, Philippines - Umaabot sa labinsiyam na bandidong Abu Sayyaf at siyam na sundalo ng Philippine Marines ang iniulat na napaslang maka­raang su­mik­lab ang bak­bakan sa pag­kakasilat sa planong panana­botahe kung saan magtata­pos ng Ramadan (Eid al-Fitr) sa isinagawang air at ground strike operations sa bisini­dad ng Sitio Tali­­bang, Brgy. Buan­sa, sa bayan ng Inda­nan, Sulu kamakalawa.

Ayon sa ulat ng regional command na si Major Gen. Ben Mohammad Dolor­fino, dalawang bangkay ng ban­dido ang narekober kung saan ayon sa intelligence asset ay tinangay ng mga nag­sitakas na kasa­ma­hang ban­dido ang iba pang bang­kay ng kalaban.

Kabilang sa mga nasu­ga­tan ay tatlong Marines at da­lawa namang kawal ng Philippine Air Force na na­isu­god naman sa opsital.

Pansamantalang ’di muna ibinunyag ang mga pangalan ng mga sunda­long namatay.

Bandang ala-1:45 ng hapon nang makasagupa ng tropa ng militar  ang si­nasa­bing 220 tauhan nina Abu Sayyaf Commander Alba­der Parad, Isnilon Hapilon at Ku­mander Doc Abu Pula.

Base sa ulat ng militar na may planong manabo­tahe sa Eid al-Fitr ang mga bandido na nakasagupa ng militar kung saan nagsisi­baba ang mga ito sa kapa­tagan para uma­take kaya masyadong marami ang nagtipong pu­wersa. 

Napag-alamang nakub­kob ng tropa ng pamaha­laan ang kampo ng mga ban­dido mula sa may 1,000 talampa­kang tarik matapos na magsi­takas ang grupo sa pagka­lagas ng kanilang puwersa. 

“Very significant itong operation kasi ito yung pinaka-sanctuary ng mga bandido, this is just one kilometer from the Moro National Liberation Front camp kaya ‘di-sila basta magalaw dito baka mada­may yung MNLF,” ayon kay Dolor­fino matapos na bag­sakan na ng mga bomba ang kinalalag­yan ng mga bandido.

Sa kasalukuyan, ay kon­trolado na ng militar ang sit­wasyon at sa katu­nayan ay nagtaas na sila ng ban­dila ng bansa bilang simbolo na na­kubkob na ang pina­kamala­king kuta ng mga bandido na hindi naakyat sa loob ng 40-taon.

9 sundalo dedo rin sa ambus

Samantala, siyam na sun­dalo ng Philippine Marines at limang teroristang Abu Sayyaf ang iniulat na napaslang habang siyam pang sundalo ang nasuga­tan matapos tamba­ngan ng ekstremistang grupo sa liblib na Sitio Talatac sa Brgy. Bato-Bto sa bayan ng Inda­nan, Sulu kahapon ng ha­pon.

Ayon kay AFP Public Information Office Lt. Col. Romeo Brawner Jr, kasalu­kuyang pabalik na ang tropa ng 4th Marine Battalion Landing Team 4 lulan ng anim na military ve­hicle sa kanilang base nang tamba­ngan ng mga bandido.

Sa kabila ng sorpresang pag-atake ay gumanti ng putok ang mga sundalo kung saan nagkaroon ng mainitang putukan na tuma­gal ng hang­gang alas-5:30 ng hapon.

Ang tropa ng pamaha­laan ay galing sa operasyon mula sa kampo ng mga Abu Sayyaf sa Sitio Talibang, Brgy. Buan na nakubkob ng tropa ng pamahalaan. Joy Cantos

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER ALBA

AYON

BEN MOHAMMAD DOLOR

BRGY

BUAN

DOC ABU PULA

PHILIPPINE MARINES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with