Health card pinamahagi

SAN MATEO, Rizal, Philippines– Upang mapaigting ang programang pangkalu­sugan ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal at matulungan ang mga mahihirap na mamamayan na walang kakayahang magpaospital at magpagamot, namahagi ng karagdagang health cards sa may 520 bagong benepisyaryo sa bayang ito si Rizal Governor Jun Ynares III kamakailan.

“Ang pamamahagi ng (Caring After You) Health Membership Cards na ito ay bahagi ng programang pangkalusugan ng pamahalaang panlalawigan na isa sa aking mga prayoridad.

Umaasa kami na ang health cards na ito ay malaki ang maitutulong na mabawasan ang hirap ng pagpapagamot sa panahon ngayon, kung saan mahal ang presyo ng gamot at pagpapa-ospital,” pahayag ni Ynares.

Show comments