CAFGU chief todas sa tauhan

MANILA, Philippines - Isang commander ng Civilian Armed Forces Geographical Unit ang namatay nang pagbabarilin ng kan­ yang tauhan sa loob ng ka­nilang detachment sa Ba­rangay Kalaskagas, San Fer­nando, Camarines Sur, ka­ma­kalawa.

Nakilala ang biktima sa pangalang Corporal Ramos, nasa hustong gulang at nagtamo ng tatlong tama ng bala sa kanyang katawan.

Kusa namang su­muko sa pu­lisya ng San Fer­nando ang suspek na si Cesar Rentoria, 24-anyos, ng barangay Pipian sa nasabi ring bayan.

Bago nangyari ang pamamaril, binugbog umano ng biktima ang suspek na siyang ikinagalit nito na dahilan upang kumuha ito ng baril at pagbabarilin siya. (Ricky Tulipat)

Show comments