^

Probinsiya

8 todas sa road accident

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Walong tao ang nasawi sa mga banggaan ng sa­ sakyan at ibang aksidente sa lan­sangan sa magkakahi­walay na lugar sa Iloilo, Butuan at Quezon kama­kalawa at ka­hapon ng uma­ga.

Sa Iloilo, kinilala ng pu­lis­ya ang mga nasawi na sina Bimbo Sanchez, isang retira­dong miyembro ng Philippine Army; asawang si Susan Sanchez; Jerry Mondeja, pa­wang residente ng Poblacion Calinog; at Leo Bulyaw, 14-anyos ng Culasi, Ajuy, Iloilo.

Pauwi sa kanilang bahay mula sa pamamalengke sa Passi City ang mag-asawang Sanchez nang mabangga ang sinasakyan nilang mo­tor­siklo sa motorsiklo ni Mon­deja. Sugatan ang ka­angkas ni Mondeja na si Ronald Asyon.

Sa lakas ng pagkaka­bang­ga ay tumilapon ang mga bik­ tima at nalasog ang katawan.

Ayon kay PO3 Alexander Bataga ng Calinog PNP, ma­bilis ang sasakyan ni Mon­deja at naagaw nito ang dina­daanan ng motorsiklo ng mag-asawa na siyang ugat ng salpukan.

Sakay naman ng isang motorsiklo si Bulyaw ka­sama ang dalawa pang ka­babata nang salpukin na­man ang mga ito ng isang pampasa­herong Ceres bus sa Ba­rangay San Lucas, Barotac, Viejo sa nasabing la­lawigan.

Sugatan din sa naturang insidente ang mga kababata ng biktima.

Isa namang anim na taong gulang na bata ang na­matay makaraang mabundol ng isang rumaragasang Isu­zu Elf sa siyudad ng Butuan, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Abegail Martinez ng Purok 8, Barangay Bancasi, Butuan City.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng sasakyan na na­ki­lalang si Rogelio Salabit, 48, residente rin sa nasabing lugar.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, nangyari ang insi­dente sa may National Highway ng Bancasi.

Tinatahak ni Salabit ang lugar nang pagsapit sa na­sabing kalsada ay nabundol nito ang biktima sanhi upang tumilapon ito ng ilang metro.

Samantala, dalawa katao ang nasawi sa aksidente sa sasakyan sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Ba­rangay Sto. Cristo malapit sa bayan ng Sariaya, Quezon kahapon ng umaga.

Ayon kay Police Superintendent Danilo Morzo, hepe ng Sariaya Police, nakilala ang mga biktima na sina Joshua Dave Comienzo, 2, at Apolonio Dalawampu Jr.

Minamaneho ni Dala­wam­pu ang isang owner-type jeep patungong Cande­laria nang mawalan ito ng kontrol at masagi ang naka­paradang dump truck bago tuluyang suyurin ang anim na pedestrian kabilang ang biktimang bata na papatawid sa naturang highway.

Sina Dalawampu at Co­mienzo ay agad na nasawi sa nasabing insidente dahil sa labis na pinsala sa ulo at katawan.

Dalawa pang pedestrians na nakilalang sina Leahrife Comienzo, ina ng bata at Arnulfo Subayba ay itinakbo sa magkahiwalay na ospital sa Lucena City. Si Subayba, ayon sa ulat, ay nasa kritikal na kondisyon dahil sa ma­tinding pinsala sa katawan.

Nauna rito, Sabado ng gabi isang lalakeng nakamo­torsiklo ang napatay nang sumalpok ito sa nakapara­dang motorsiklo sa gilid ng Maharlika Highway sa bayan ng Plaridel.

Ayon kay Police Officer 3 Eldie Dayao, imbestigador ng Plaridel police, kinilala ang nasawi na si Joel Boy Oflaria.

Naganap ang sakuna nang bundulin ng motorsiklo ng biktima ang mga nakapa­ radang motorsiklo sa nasa­bing lugar dahilan upang tumilapon ito at mabagok ang ulo sa kalsada.

ABEGAIL MARTINEZ

ALEXANDER BATAGA

APOLONIO DALAWAMPU JR.

ARNULFO SUBAYBA

AYON

BARANGAY BANCASI

BIMBO SANCHEZ

BUTUAN

MAHARLIKA HIGHWAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with