6 naisalba sa sex den
BULACAN, Philippines — Anim na kabataang babae na sinasabing may edad na 11 hangang 17-anyos at nagbebenta ng panandaliang-aliw sa mga kalalakihan ang naisalba sa sex den kung saan naaresto ang isang babae sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Barangay Batia sa bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Pormal na kinasuhan ang suspek na si Rowena Atendido, 40, ng Northville 5, relocation site.
Sa ulat na nakarating kay P/Supt.Ronald De Jesus, lumilitaw na nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na ginagawang sex den ang bahay ni Atendido sa nabanggit na barangay kaya ni-raid ng mga tauhan ng Regional Investigation and Detective Management Division at ng local na ahensya ng Department of Social Welfare and Development Boy Cruz
- Latest
- Trending