6 utas sa salpukan
KIDAPAWAN CITY, Philippines — Anim na sibilyan ang iniulat na nasawi makaraang salpukin ng pick-up ang kasalubong na overloaded na traysikel sa kahabaan ng highway sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao, kamakalawa.
Ayon kay P/Supt. Danilo Bacas, spokesman ng Autonomous Region in Muslim Mindanao PNP, kabilang sa mga namatay ay sina Hadji Akmad Guiamad, 50; Banhalin Dadang, 17; Agah Igah Tasil, 45; Abutazil Sakur, 45; Faisal Sakur, 40; at si Juanito Padilla, 16. Kritikal naman ang kondisyon ni Mohammad Alih Kabakoy, isa sa mga pasahero ng traysikel, na naisugod sa ospital sa Cotabato City.
Base sa police report, binabaybay ng traysikel ang Cotabato-Davao highway sa Barangay Limbo, Sultan Kudarat, nang salpukin ng pick-up na minamaneho ng senglot na drayber.
Hindi kaagad nakilala ni Bacas ang drayber ng pick-up na, aniya ay sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple deaths. Malu Cadelina Manar
- Latest
- Trending