^

Probinsiya

Training camp ni Pacman todo-bantay ng PNP

-

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ng pu­lisya ang mahigpit na se­gu­ridad sa gymnasium ng Ba­guio City para sa pag­sa­sa­nay ni Manny “Pac­man” Pac­quiao kaugnay ng napi­pinto ni­tong laban kay Puerto Ri­can boxer Miguel Cotto sa Nob­yem­bre 14 sa Las Vegas, Nevada, Esta­ dos Unidos.

Sa report ng pulisya na nakarating sa Camp Cra­me, ngayon pa lamang ay naghigpit na ng seguridad sa gym ng Teachers Camp na napiling pagsa­nayan ni Pacman para sa kanilang boxing bout ni Cotto.

Ito’y upang walang ma­ging sagabal sa pagsa­sanay ni Pacman sa nasa­bing gymnasium kung saan inaasa­hang dadag­sain ng mga fans at supporters ng boxing champion.

Samantala, agad na­mang pasisimulan ni Pac­man ang pagsasanay sa pagdating nito sa bansa kasama ang trainer na si Freddie Roach mula sa boxing tour nila ni Cotto sa Es­tados Unidos.

Kaugnay nito, umapela na­man si Baguio City Ma­yor Reynaldo Bautista Jr. sa mga fans at supporters ng boxing icon na maki­pag­koordinas­yong mabuti sa mga kina­uukulan upang hindi ma­abala si Pacman sa kani­yang pagsasanay.

Si Cotto, tubong Puer­to Rico ay kasalukuyang World Boxing Organization (WBO) welterweight champion ay seryoso na ring nag­­sasanay para sa pag­haharap nila ni Pacquiao sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada sa Nob­yembre 14.

Nabatid na pinag-ara­lan na rin ni Pacman ang istilo ni Cotto sa boxing at tiniyak na 100 % siyang handa sa kanilang boxing match sa gitna na rin ng mga paha­yag ng kani­yang mga taga-suporta na hindi nito sini­seryoso ang pagsa­sanay. Joy Cantos

vuukle comment

BAGUIO CITY MA

BOXING

CAMP CRA

COTTO

FREDDIE ROACH

GRAND ARENA

JOY CANTOS

LAS VEGAS

MIGUEL COTTO

PACMAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with