6 OFWs pinarangalan sa Cagayan Valley

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Anim na mga tinaguriang bagong bayani ng bansa (overseas Filipino workers) ang pina­rangalan bilang huwarang manggagawa sa katatapos na regional search na pina­ngunahan ng  Overseas Workers Welfare Adminis­tration’s (OWWA) na naka­base sa Cagayan Valley.

Ayon kay Robert Bas­sig, regional director ng OWWA Cagayan Valley, kabilang sa mga pinara­ngalan ay sina Antonina Aguinaldo-Eder ng Caua­yan City, Isabela; Conrado Vallejos ng Bayombong, Nueva Vizcaya; Maria Aggabao-Fernandez ng Cabagan, Isabela; at si Jocelyn Danao ng Peña­blanca, Cagayan.

Pinarangalan din para sa Sea-based category sina Captain Ramon Gapu­san ng Echague, Isabela na nagwagi bilang huwa­rang marino at Henry Pa­gaddu ng Peñablanca, Ca­gayan na nakakuha naman sa ikalawang puwesto.

Si Antonina Eder ang itinanghal bilang best OFW ng rehiyon matapos ang 33-taong paninilbihan bi­lang domestic helper upang maita­ guyod mag-isa ang kanyang mga anak na na­ulila na sa ama.

Iginiit din ni Bassig na ang pagkilala sa kadaki­laan ng mga OFW na nag­sa­sakripisyong magtra­baho sa ibang bansa ay maliit la­mang na paraan at suporta sa mga bagong bayani ng bansa kumpara sa kanilang mga kontribus­yon na ibinibi­gay sa bansa lalo na sa eko­nomiya. Victor Martin

Show comments