Trak vs trak: 2 kritikal

BATAAN, Philippines – Kasalukuyang nakikipagbuno kay ka­matayan ang dalawang sibilyan na naipit sa salpukan ng dalawang trak sa kahabaan ng Brgy. Camacho at Munting Batangas, Balanga City, Bataan kamakalawa.

Ginagamot sa Bataan General Hospital ang mga biktimang sina Jeffrey Sanga Coronel, 26, driver ng Isuzu trailer truck ng Coca-Cola (BUD 206) at helper nitong si Alfredo Lozano, 24, kapwa nakatira sa San Fernando City, Pampanga. Batay sa policed report, bumabagtas sa nabanggit na highway ang Coca-Cola truck ni Coronel nang makabanggaan ang Isuzu trailer truck ng Total Gasoline (DWJ- 967) ni Albert Esconde, 26, ng San Francisco, Laguna. Nakakulong naman sa himpilan ng pulisya sa Balanga City ang driver na si Esconde. Jonie Capalaran

Show comments