Kawatan sa bus tiklo sa diskarte ng driver

NUEVA VIZCAYA, Philippines – Isang pasahero na nag­nakaw ng pitaka ng ka­ta­bing pasahero ang na­aresto matapos ma­hulog sa diskarte na isi­nagawa ng driver ng bus kaha­pon ng ma­da­ling-araw.

Pormal na kinasu­han ang suspek na si Efren Paguila, 26, ng #203 Magsaysay, sa ba­yan ng Alicia, Isa­bela.

Sa imbestigasyon ng pulisya, na bandang alas-3 ng madaling-araw nang mapansin ni Mari­nell Fraynes, 30, ng San­tiago City na na­kabukas na ang kan­yang bag at nawawala ang pitaka na naglala­man ng pera at maha­ha­lagang doku­mento ma­ta­pos huminto ang kani­lang sinasakyang bus sa highway sa Brgy. Calit­litan, Aritao, Nueva Viz­caya.

Agad na pinaghina­laan ni Fraynes ang kan­yang katabi na pa­sahero na si Paguila na nauna nang bumaba sa bus kung kaya agad niyang ipinag-bigay-alam sa drayber ng Victory Liner (CWR 675) na si Nixon Bata­rao.

Agad na hinanap ang suspek subalit hindi na ito makita sa nasa­bing bus terminal.

Dahil dito, nakaisip ng paraan ang drayber ng bus kung kaya pina­litan nito ang karatula ng bus kung saan inalis niya ang nakasa­bit na Sampaloc/ Cu­bao na kanilang desti­nas­yon at ipinalit ang Tuguegarao/Isabela  kung saan nag­mula ang bus.

Palabas na ang bus sa terminal nang ma­kita ng suspek ang ka­ratula ng bus na Tu­guegarao Isabela kaya nagma­ma­daling suma­kay sa pag-aakalang ibang bus ang kanyang sinak­yan paba­lik sana sa Isa­bela.

Dito na naaresto ang suspek matapos kilala­nin ng biktima.Victor Martin

Show comments