^

Probinsiya

Army kumander, 1 pa todas sa amok

-

MANILA, Philippines - Napatay ang detachment kumander ng Phil. Army at isang sundalo ma­karaang mag-amok ang isang sundalong senglot sa loob ng kampo noong Ling­go ng gabi sa Barangay Tugaig, Barira, Maguinda­nao.

Kinilala ni Army’s 6th Infantry Division (ID) spokesman Col. Jonathan Ponce, ang dalawang napatay na sina Sgt. Alex Gumata, ku­mander ng Hilltop detachment ng Charlie Company  ng 37th Infantry Battalion (IB) ng Phil. Army at Corporal Ernesto Dumaboc.

Nasa Camp Siongco Station Hospital naman ang sugatang si Corporal Randy Laniera na idinekla­rang nasa maayos na kon­disyon.

Samantala, tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek na si Pfc. Jefferson Brillo kung saan tumakas matapos mag-amok ban­dang alas-6:30 ng gabi.

Batay sa ulat na nakara­ting sa Camp Crame, ki­nas­tigo ni Gumata si Brillo matapos malasing sa alak at dumating sa kampo para mag-duty sa gate bilang guwardiya.

Nagkasagutan sina Gu­mata at Brillo kung saan ay galit na umalis ang suspek bago pumasok sa kanilang bunker.

Gayon pa man, binali­kan ng suspek ang kan­yang kumander saka nirat­rat kung saan nadamay sa karit ni kamatayan si Du­ma­boc. (Joy Cantos)

ALEX GUMATA

BARANGAY TUGAIG

BRILLO

CAMP CRAME

CHARLIE COMPANY

CORPORAL ERNESTO DUMABOC

CORPORAL RANDY LANIERA

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with