MANILA, Philippines - Umaabot na sa tatlo-katao ang iniulat na nasawi, habang 400 pamilya naman ang nagsilikas para hindi madamay sa kaguluhang naganap sa pagitan ng magkalabang angkan sa Maguindanao. Sumiklab ang kaguluhan sa pagitan nina Pagalungan Vice Mayor Salik Mamasabulod at Datukan Kumander Lastikman sa Barangay Damasalak sa Pagalungan.
Ayon sa ulat ng National Disaster Coordinating Council, nag-umpisa ang gulo matapos mapatay ng grupo ni Kumander Lastikman ang isa sa kaanak ni Vice Mayor Mamasabulod.
Napag-alamang sinunog din ni Kumander Lastikman ang 27 kabahayan sa Barangay Balongis sa bayan ng Pikit, North Cotabato kung saan nagsilikas ang may 400 pamilya.
Nagpakalat na rin ng karagdagang puwersa ang pulisya at militar sa mga Brgy. Damalasak at Bolangis at iba pang lugar sa Pagalungan at Pikit para magbigay seguridad sa mga residente. (Ricky Tulipat)