^

Probinsiya

2 angkan nagsagupa: 3 todas

-

MANILA, Philippines - Umaabot na sa tatlo-katao ang iniulat na nasawi, habang 400 pamilya naman ang nagsilikas para hindi madamay sa kagu­luhang naganap sa pagitan ng magkalabang angkan sa Maguin­danao. Sumiklab ang kaguluhan sa pagitan nina Pa­galungan Vice Mayor Salik Mamasabulod at Datukan Ku­mander Lastikman sa Barangay Damasalak sa Pagalu­ngan.

Ayon sa ulat ng National Disaster Coordinating Council, nag-umpisa ang gulo matapos mapatay ng grupo ni Kumander Las­tikman ang isa sa kaanak ni Vice Mayor Mamasabulod.

Napag-alamang sinunog din ni Kumander Lastikman ang 27 kaba­hayan sa  Barangay Balongis sa bayan ng Pikit, North Cotabato kung saan nagsilikas ang may 400 pamilya.

Nagpakalat na rin ng karag­dagang pu­wersa ang pulisya at militar sa mga Brgy. Damalasak at Bolangis at iba pang lugar sa Pagalungan at Pikit para magbigay seguridad sa mga residente. (Ricky Tulipat)

BARANGAY BALONGIS

BARANGAY DAMASALAK

DATUKAN KU

KUMANDER LAS

KUMANDER LASTIKMAN

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

NORTH COTABATO

PIKIT

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with