Ispiya nilikida ng NPA

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinagbabaril hang­gang sa mapatay ng mga rebeldeng New People’s Army ang isang 34-anyos na mister na sinasabing ispiya ng militar at pulisya sa panibagong paghahasik ng kara­hasan ng komu­nistang grupo kahapon ng umaga sa Sitio Padloy, Barangay Luna sa bayan ng Placer, Masbate. Ban­dang alas-5 ng umaga nang pasukin at ratratin ng mga kabataang rebelde si Rodolfo Rosales kung saan kasalong mag-aamusal ang kanyang pamilya. Napag-alamang palakad na nagsitakas ang mga rebelde na animo’y walang naganap na krimen. Ed Casulla

Show comments