Treasury office nilooban

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines Umaabot sa P.5 milyon ang tinangay ng mga maskaradong kalalakihan makaraang looban ang Treasurer’s Office sa bayan ng Amulong, Cagayan. Sa naantalang ulat ng pulisya, da­kong alas-11 ng gabi noong Martes nang pasukin ang nasabing opisina  at tangayin ang cash na umaabot sa P500,000 at ilang mga mahahalagang dokumento. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nasa lima-katao ang nanloob sa nabanggit na opisina matapos sirain ang padlock ng pintuan. Napag-alaman walang guwardiya ang opisina dahil sa may ilang metro lamang ang layo mula sa himpilan ng pulisya. Victor Martin

Show comments