^

Probinsiya

84 preso pinalaya sa Quezon

- Ni Tony Sandoval -

LUCENA CITY, Que­zon, Philippines – Nakatanggap ng maagang Pamasko ang 84-preso sa Quezon Provincial Jail ma­ka­raang pa­layain ni Supreme Court Justice Rey­nato Puno ba­tay sa pro­gramang Justice on Wheels.

Ang mga preso na na­ha­­harap sa ibat-ibang kaso at pawang mga over-staying na sa kulungan ay isi­nailalim sa nasabing pro­grama na ang layunin ay mapag­ka­looban ng mabilis na hus­tisya ang mga ma­hihirap na preso bu­kod pa sa ma-decongest ang mga piitan sa ibat-ibang pa­nig ng bansa.

Mismong si Supreme Court Justice Puno ang nag-abot ng release paper sa mga preso sa progra­mang isinagawa sa Que­zon Convention Center kama­kalawa na sinaksihan ni Quezon Governor Raffy P. Nantes at mga opisyal ng lokal na pa­mahalaan.

Sa kasalukuyan ay uma­­abot sa1,000 preso ang nakapiit sa nabanggit na kulu­ngan habang ang ka­pasidad lamang nito ay 600.

Halos karamihan sa mga nakapiit ay pawang mahi­hirap at minsanan lamang suma­ilalim sa paglilitis.

Dahil sa paglulunsad ng nabanggit na programa ng Supreme Court sa Quezon, nag-paabot ng pasasa­lamat ang mga kaanak ng mga nabiyayaang preso.

Sinabi ni  Supreme Court Justice Puno na nakapaloob din sa programa ang pag­kakaloob ng tulong medical, dental  at legal aid sa mga pi­itan.

Bukod dito, ay nagsa­gawa ng Information Education Campaign ang Philippine Judicial Academy sa 1,000 opisyal ng ba­rangay sa Que­zon.

CONVENTION CENTER

INFORMATION EDUCATION CAMPAIGN

PHILIPPINE JUDICIAL ACADEMY

PUNO

QUEZON GOVERNOR RAFFY P

QUEZON PROVINCIAL JAIL

SHY

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with