^

Probinsiya

Salvage victim tinapyasan ng tenga

-

CAVITE, Philippines – Tapyas ang kanang bahagi ng tenga at nakabigti ng alambre ang leeg ng isang hindi pa naki­kilalang lalaki nang matag­puan ang bangkay nito sa ka­habaan ng Daang Hari, Ba­rangay Pasong Buaya, Imus ng lalawigang ito, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay tinatayang nasa edad na 30-40-anyos, may taas na 5’4-5’7, naka­suot ng puting t-shirt at short, nakaapak, may tattoo sa ka­nang bahagi ng hita na “SPUTNIK”, kaliwang braso ay “JING” at sa kanang ka­may ay larawan ng mukha ni Kristo at marami pang mga tattoo ng iba’t ibang pangalan.

Ayon kay Supt. Ulysis Cruz, hepe ng Imus Police, isa sa residente ang nakari­nig ng isang putok ng baril at may parang bumangga sa may gate ng kanilang bahay na may mga tambak na sako ng buhangin subalit hindi sila lumabas sa takot na mapa­hamak sila.

Tumawag sila sa ba­rangay at natagpuan ang isang hindi nakilalang bang­kay ng lalaki na tapyas ang kanang bahagi ng tenga. (Cristina Timbang)

vuukle comment

AYON

CRISTINA TIMBANG

DAANG HARI

IMUS POLICE

KRISTO

PASONG BUAYA

SHY

TAPYAS

TUMAWAG

ULYSIS CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with