11 missing fishermen nasagip

PANGASINAN, Philippines — Labing-isang kalalakihan na sinasabing na­ngingisda sa kasagsagan ng bagyong Maring ang iniulat na nawawala sa karagatang sakop ng bayan ng Bolinao, Panga­sinan. Sa tala ng Provincial Disaster Coordinating Council of­­fice kahapon, kabilang sa mga nawawalang ma­ngingisda ay sina Jeffrey Gon­zaga, operator ng MB Marrin; Orlando Fernandez, Juni­fer Javier, Eduardo Suarez, Rey­mark Suarez, Dennis Cabulbol, Alfie Gagarao, Alico Caiga, Jr., Enoy Gabriel; Ronald Alcantara, at si Dannyboy Carig na pawang residente ng Brgy. Balingasay, Bolinao. Agad naman nakipag-ugnayan sa Naval forces ng Northern Luzon at sa Coast Guard ang kinauukulan hanggang sa masagip ang mga biktima at ngayon ay nasa Poro Point La Union. Cesar Ramirez

Show comments