6 kinasuhan sa pagpatay ng lider ng Ilocos Cooperative
LAOAG CITY , Philippines – Kinasuhan na ng pulisya ang anim na kalalakihan na sinasabing mga pangunahing suspek sa pagpaslang kay Ilocos Norte Electric Cooperative (INEC) president Lorenzo Rey Ruiz nooong Biyernes ng (Sept 4) sa bayan ng Currimao, Ilocos Norte.
Kabilang sa mga suspek na kinasuhan sa Provincial Prosecutor’s Office ay sina Saturnino Pagaling, Victor Cahodoy, Noel Aurellano na kapwa naaresto; Jonathan Bagamaspad na kawani ng INEC; at dalawang iba pa. Sinasabing si Bagamaspad ang mastermind ng krimen dahil sa nakabinbing kasong administratibo kaugnay ng paglustay ng pondo ng INEC.
Si Ruiz na kasalukuyang pangulo ng INEC board ang nangunguna sa imbestigasyon ng malversation case na sinasabing nakatakdang ilabas ang desisyon na pinaniniwalaang hindi pabor kay Bagamaspad.Isang outstanding lider ng kooperatiba si Ruiz na sinasabing magtatapos ang termino sa INEC sa buwang kasalukuyan at gustong linisin ang INEC bago humarap sa mga miyembro ng panibagong board election sa Oktubre 2009. (Teddy Molina)
- Latest
- Trending