7 kolektor ng jueteng arestado
BULACAN, Philippines – Pito-katao na sinasabing kolektor ng jueteng ang iniulat na dinakma ng mga awtoridad habang nakumpiska naman ang limang makina ng video karera sa isinagawang operasyon laban sa pasugalan sa limang barangay sa San Miguel, Bulacan kamakalawa.
Kabilang sa mga suspek na kinasuhan ng pulisya ay sina Julieta Ferrer, Luzviminda Dela Funte, Saturnino Flores, Leonardo Julian, Isabelo Adriano, Eugene Adriano,at si Lucia Fernando.
Kinumpiska naman ang limang makina ng video karera sa mga bahay at tindahan nina Maylene Valdez, Lauro Mariano, Ernesto De Vera, Robert Santos at Alfonso Guevarra sa mga Brgy. Salangan 1, San Jose at sa Barangay Batasang Matanda. (Boy Cruz)
- Latest
- Trending