Magtiyuhin dedo sa road mishap

CAMARINES NORTE, Philippines – Napaaga ang salubong ni ka­matayan sa magtiyuhin makaraang masalpok ng multicab ang sinasakyang scooter sa kahabaan ng Bagasbas Road sa Brgy. Borabod sa bayan ng Daet, Camarines Norte kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Marlon Tejada, ang dalawa na sina Gemela Cabanela, 22, ng Brgy Gahonon-Daet, ba­gong graduate ng BS Management ng STI Caloocan at  Kaga­wad Melvin Raymundo, 38, kapwa kamag-anakan ni Daet Vice Mayor Serafin Raymundo.

Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng multicab (JCN 245) na si Domingo Belleza ng Brgy Bibirao, at staff ni Bokal Romeo Marmol. (Francis Elevado)

Show comments