Ex-mayor, 3 pa tiklo sa firearms raid

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Apat-katao kabilang na ang dating mayor sa Que­zon ang iniulat na dinakma ng pulisya makaraang makum­piskahan ng mga ‘di-lisen­sya­dong baril sa bayan ng Bue­navista, Quezon kamaka­lawa ng madaling-araw.

Kabilang sa mga kinasu­han ay si Ramon Reyes, dating mayor ng Buenavista, mga alalay nitong sina Ri­cardo Cortez, Eduardo Ri­ vera at Dante Magan na sinasa­bing pangunahing suspek sa pagpatay sa da­ting municipal, secretary ng Buenavista noong Agosto 2009.

Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Eloida De Leon-Diaz ng Lucena City Regional Trial Court Branch 58, 4th Judicial Region, sina­lakay ng mga elemento ng Regional Special Operations Group, Quezon police at Regional Mobile Group (RMG) ang bahay ni Reyes sa Brgy. Lilokin.

Ayon kay P/Chief Supt. Perfecto Palad, nakumpiska sa mga suspek ang labing-isang baril, 2 gun scope, at daan-daang bala mula sa nabanggit na mga baril. (Arnell Ozaeta)

Show comments