Ex-mayor, 3 pa tiklo sa firearms raid
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Apat-katao kabilang na ang dating mayor sa Quezon ang iniulat na dinakma ng pulisya makaraang makumpiskahan ng mga ‘di-lisensyadong baril sa bayan ng Buenavista, Quezon kamakalawa ng madaling-araw.
Kabilang sa mga kinasuhan ay si Ramon Reyes, dating mayor ng Buenavista, mga alalay nitong sina Ricardo Cortez, Eduardo Ri vera at Dante Magan na sinasabing pangunahing suspek sa pagpatay sa dating municipal, secretary ng Buenavista noong Agosto 2009.
Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Eloida De Leon-Diaz ng Lucena City Regional Trial Court Branch 58, 4th Judicial Region, sinalakay ng mga elemento ng Regional Special Operations Group, Quezon police at Regional Mobile Group (RMG) ang bahay ni Reyes sa Brgy. Lilokin.
Ayon kay P/Chief Supt. Perfecto Palad, nakumpiska sa mga suspek ang labing-isang baril, 2 gun scope, at daan-daang bala mula sa nabanggit na mga baril. (Arnell Ozaeta)
- Latest
- Trending