ZAMBALES, Philippines — Aabot sa P1 milyong halaga ng construction materials ang ipinamahagi ng Hanjin Heavy Industries & Construction Co. Ltd (HHIC-Phil Inc) para sa mga residenteng naapektuhan ng tubig-baha sa bayan ng Botolan, Zambales.
“Naisip namin na hindi sapat ang mga pagkain na pinadala namin noong kasagsagan ng bagyong Kiko at nakita namin ang agarang pangangailangan para sa pagpapaayos sa kanilang mga tahanan kaya nagdesisyon ang aming kompanya na magbigay ng mga construction materials,” pahayag ni Taek Kyun Yoo, general manager for external trade part ng HHIC kay Zambales Gov. Amor Deloso.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng tu long ang HHIC- Phil Inc. kung saan namahagi rin ito ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Cosme sa bayan naman ng Sta. Cruz noong Mayo 2008.
Ang Hanjin shipyard na may pinakamalaking pagawaan ng barko sa buong mundo ay nakapagbigay ng trabaho sa 18,000 katao mula sa Zambales, Bataan, Olongapo at karatig lugar sa Central Luzon. (Alex Galang)