^

Probinsiya

P1M donasyon ng Hanjin sa Zambales

-

ZAMBALES, Philippines — Aabot sa P1 milyong halaga ng cons­truc­tion materials ang ipina­ma­hagi ng Hanjin Heavy Industries & Construction Co. Ltd (HHIC-Phil Inc) para sa mga residenteng naapektu­han ng tubig-baha sa ba­yan ng Botolan, Zambales. 

“Naisip namin na hindi sa­pat ang mga pagkain na pina­dala namin noong ka­sagsa­gan ng bagyong Kiko at nakita namin ang agarang panga­ngailangan para sa pagpapa­ayos sa kanilang mga taha­nan kaya nagde­sisyon ang aming kompanya na magbi­gay ng mga construction materials,” paha­yag ni Taek Kyun Yoo, general manager for external trade part ng HHIC kay Zam­bales Gov. Amor Deloso.

Hindi ito ang unang pag­ka­kataon na nagbigay ng tu­ long ang HHIC- Phil Inc. kung saan namahagi rin ito ng tu­long sa mga naapek­tuhan ng bagyong Cosme sa bayan naman ng Sta. Cruz noong Mayo 2008.

Ang Hanjin shipyard na may pinakamalaking paga­waan ng barko sa buong mundo ay nakapagbigay ng trabaho sa 18,000 katao mula sa Zambales, Bataan, Olon­gapo at karatig lugar sa Central Luzon. (Alex Galang)

ALEX GALANG

AMOR DELOSO

ANG HANJIN

CENTRAL LUZON

CONSTRUCTION CO

HANJIN HEAVY INDUSTRIES

PHIL INC

SHY

TAEK KYUN YOO

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with